16 Things I Learned From Working Abroad

It is almost going home and I had just been through a slightly dramatic homesickness and I simply couldn’t convince myself of how “I’m so used to it”, particularly when it has already been the 3rd year in a row.

With the anticipation of focusing on good points rather than drowning myself into a chilly feeling of being out of place ~ for the first time in nth years~ I listed down the things I had learned through these years:

1. Personal growth is the top of the list. You will experience failures, pressed under pressure and pushed beyond your limits ~ which are essentials for emotional maturity. 

2. Productivity. Even on a lazy day you still have to stick on the work schedule and mark the checklist.

3. Training yourself to do almost everything on your own is the key to establish your flexibility and independence.

4. The first person you’ll miss is your Mom.

5. Speak, read and write foreign language ~ least expected but the most rewarding. Once you learned their language, I promise you can go around-the-country without getting lost. Plus you’ll become aware of on-sale or buy-one-free-one at supermarkets or department stores.

6. You’ll wake up the Superwoman in you. Like when nobody would take care of you if you got sick, so working while trying to get well is a job not everybody is capable of.

7. Needs vs Wants. Don’t buy unnecessary things. Not anymore. 

8. Fashion is more than just a combination of t-shirt and denim pants.

9. Life is not fair but there are lot more things to be thankful for.

10. Different people take different perspectives in life so as you spend time with them, you’ll find yourself slowly diverging into more profound life interpretation.

11. You will build a “in a relationship” status with your mobile phone as it is the only way of staying connected with your family and friends back home.

12. Chances to eat different kinds of food for free ~ this is my favorite. I just love eating. That’s how I fell in love with pasta and all sorts of noodles.

13. There are other alternatives than eating rice everday. Like here we have bread and soybean milk for breakfast, chicken sandwhich for lunch and dumpling and corn soup for dinner. That’s it. No rice. Very far from my home’s rice-and-viand-every-meal style.
14. You’ll become more health conscious.

15. You will go sightseeing and would be amazed by the places you thought you’d never set foot in.

16. You will love your parents even more. While you are being detached from comforts of home, you will gradually understand that there’s no simple and straighforward manual for raising kids…. yet your parents made it after all.

Working abroad has plenty of challenges but once you walked past the getting-used-to-it phase and finally adapted with the unfamiliar environment, you will likely become more grateful and appreciative for the given privilege to grow up. And the way you look at life would be more meaningful than ever.

How about you? Do you work from afar? How long it has beeen? What did you learn?

image
Chiang Kai Shek Memorial Hall, Taipei, Taiwan
Advertisements

DIARY NG HOMESICK Part 1

Sa gitna ng kaabalahan ng maghapong walang pinagkaiba sa mga nakaraang araw, biglang pumasok sa isip ko ang aking Diary. Bigla kong gustong basahin ulit tulad ng ganitong pagkakataon na naiinip ako sa napaka-routine kong araw. Mula sa sala nagpunta ako sa kwarto. Hinila ko ang drawer at iniahon ang malaking notebook na kulay asul.

Kapag naiinip, nalulungkot, masaya, nagsesenti, pagod, naiinis, kinikilig ay dito ako nakadukmo. Nagsusulat. Nakalagay dito ang record ng mga binili ko, mga bibilhin ko, pagba-budget ng sweldo ko kada buwan, listahan ng utang ko, ang iskedyul ko sa isang araw, assignments noong may Mandarin Tutorial pa ako sa aking Teacher-Boss at ang mga things-to-do. Nandito din ang ilang short essay na sinulat ko noon tungkol sa isang topic dahil simula pa noon ay hilig ko na ang magsulat.

Binuksan ko ang cover page at nag umpisang magbasa. Natatawa na lang aq sa ibang sinulat ko dahil napaka-childish ng dating. Sa paglilipat lipat ko ng bawat pahina ay may napansin ako…

“I am trying to be strong. But still why I’m so weak. Everyday is so hard for me. I feel so tired. How can I rest even for a while? Badly need a break. Please God help me! / July 02, 2007”

[Sa gilid ay may drawing ng isang babae na medyo mahaba ang buhok na may luha luha.]

Pilit kong inalala ang araw na ito. Ah! Ito sigurado yung mga panahon na madalas akong naho-homesick. Kapag bago ka palang yun ang hardest part. Pag a-adjust sa paligid, sa mga taong nakakasalamuha, trabaho, klima, pagkain at language.

Kung 1st time sa isang lugar matic na yan paengot engot ang attitude. Naalala ko yung unang gamit ko ng chopsticks, wala akong maipit na pagkain kund isang butil ng kanin. Ang sakit sa daliri! Sumunod na beses, naglagay ako ng kutsara sa kaliwa ko para standby kung sakali mangalay ako kakaipit ng pagkain na hindi naman umaabot sa bibig ko.

Di ba tayong mga Pilipino ugali na natin sa hapagkainan may baso ng tubig pangtulak. Nakita ni Akong [Lolo], bakit daw may baso ng tubig sa tabi ko. Palitan ko daw ng mangkok na may hot soup dahil yun daw ang healthy way. At kung pag uusapan naman ang pagkain nila sa unang lasa ko, muntik na akong masuka. Magkakaharap pa naman kami sa lamesa. Giniling na karne may kaunting sabaw, maalat na maanggo na may tamis at kaunting pait na hindi ko talaga ma-take.

Sa lugar naman hightech! Pag may nagdoorbell sa gate tutunog yung home telephone tapos isang pindot lang bubukas na ang pinto. Nung una nga nagulat ako kasi biglang nagbukas ang pinto eh wala namang tao. Akala ko tuloy may magnanakaw.

May nakwento sa akin si Ate Grace, unang friend ko sa Taiwan. May lalake daw. Singkit, matangkad at maputi. As in gwapo. Starstruck si ate (peace ate grace). Tapos nung nagsalita daw…. Biglang na-TO ang ate ko. Pula daw ang ngipin. [nag nganganga]

Sa language naman, tayong mga Pilipino di ba universal. Kahit saang bansa dalhin ay makakasurvive kasi marunong sa Englishing. Kaya ung mga nagpupunta dito para magtrabaho, dalawang linggong aral ng Mandarin lang ayos na. Di tulad ng ibang Asiano [Indonesian at Vietnamese] ang pinakamaigsing Mandarin Lesson nila ay tatlong buwan. Kaya pagdating nila dito marunong na sila. Kabaligtaran ng mga OFW, pagdating dito dumedepende muna sa Englishing tsaka na lang magtututo ng Mandarin. Yung unang naging Boss ko hindi masyadong marunong mag Englishing. Isang beses,

“Je-ni-fo, you give granma watah. Watah!”
[may kasamang aksyon na patungga tungga ng tubig].

Araw araw habang kumakain nagkukwentuhan sila, “Amushing shang. Baching baching. Chong chong. Chang chung. Shong shang sheng shing!” Sabi ko sa isip ko ano kaya pinag uusapan ng mga ito. Tapos biglang nagtawanan. Bawal ang KJ kaya ako nakikitawa na lang na kunwari I belong.

Pusong Nangungulila

Makulimlim ang kalangitan tila nagbabadya ng ulan
Kasabay ng madilim na kapaligiran ay pusong nalulumbay
Nangungulila, nagtatanong
Kailan kaya muling mamamasdan
Mga mukhang kaytagal nang hindi nasisilayan
Kailan kaya muling maririnig
Mga boses na tanging sa telepono lang nakakausap
Kailan kaya muling malalasap
Mga pagkaing kahit saan ay hindi mapapantayan
Kailan kaya muling makakaharap
Sa hapagkainang maingay sa kwentuhan
Kailan kaya sasagana ang buhay na sadlak sa kagipitan
At kailan kaya muling mahahagkan
Mga bisig na kaytagal nang nawalay
Kailan kaya
Tila kaytagal pa
Di tulad ng ulan na ngayon ay pumapatak na

Pinoy Ako….Pinoy Tayo…

Nakasakay ako sa Taipei MRT.  Nakatayo. Nakakapit sa handrail. Nakaheadset. Nakikinig ng music habang tahimik na hinihintay ang pagdating sa destination. Walang ibang kasama kundi mga estrangherong mapuputi at singkit na kasakay sa tren. Maya maya hindi ko namalayan sumasabay na sa beat ang paa ko. Bahagya nang napapasunod sa tugtog ang ulo ko. Napapakanta na rin ang bibig ko na sumasabay sa lyrics pero walang lumalabas na boses….

‘Ang lagi mong iisipin kayang kayang gawin
Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako pinoy tayo’

Napangiti ang isang sulok ng labi ko. Naramdaman kong tumigil na ang sinasakyan. Sukbit ang aking bag na Made in the Philippines, humakbang ako palabas ng tren. At masiglang naglakad ng nakataas ang noo.

UNFORGETTABLE

Buwan ng December maraming taon na ang nakakalipas. First month ko sa bansang Taiwan. Ibig sabihin patanga tanga pa ako noon. Mabuti na lang may Ate Grace ako, ang unang Pinay friend ko na nandiyan palagi para sa akin at handang dumamay lalo na sa panahon ng unos. Magkalapit lang ang bahay ng mga amo namin.

Nag uumpisa na ang winter season. Isang gabi, masama ang pakiramdam ng alaga kong Amah (Grandma) at kailangang dalhin sa ospital.

“Je-ni-fo… We…. Bring… Granma…. To…. Hospito… Preper… Yo… Tings…” Pautal utal at nagpupumilit mag English na sabi sa akin ng amo ko.

Inayos ko ang mga gamit ni Amah. Ako naman nagdala ng bimpo, tootbrush, toothpaste, isang jacket etc.
Pagdating sa ospital, ayon sa pagkakaintindi ko sa barok na Englishing ng amo kong singkit, payo ng doktor ay kailangan daw i-admit si Amah sa ospital. Hindi sinabi kung gaano katagal. Umuwi siya ng bahay at naiwan kaming dalawa ni Amah. Ako naman inasikaso ko si Amah sa abot ng kaalaman ko tungkol sa pag aalaga ng pasyente. Maraming oras ang lumipas pero hindi parin kami umuuwi.

Hanggang sa isang umaga, nagpunta ako sa public comfort room at tumayo sa harapan ng salamin. Tinitigan ko ng maigi ang sarili ko. Naiiyak ako pero kaya pa sabi ng isip ko. Ok pa ako. Hindi naman halata. Medyo oily lang ng konti ang buhok ko. Binaliwala ko ang nararamdaman at bumalik na sa bed ni Amah para magtrabaho at asikasuhin siya.

Pagkatapos mag tanghalian, di ko na talaga kaya. Habang tulog si Amah, binulsa ko ang cp ko at lumabas sa ward. Nagpunta ako sa back door ng ospital kung san pwedeng tumambay. Nilabas ko ang cp at tinawagan si Ate Grace. Pagkasagot nya bumungad ang garalgal kong boses.

ME: Ateeee~~~~

ATE GRACE: Oh anong nangyari sayo bata ka?! (kabado)

ME: Nandito kami ni Amah sa ospital.

ATE GRACE: Alam ko.

ME: Di pa ako naliligo…

ATE GRACE: Maaga pa ah. Di ba gabi naman ang liguan time dito?

ME: Tat…. Tatlong araw naaa~~~~ (tuluyang naiyak)

ATE GRACE: Ha? Pwede namang maligo jan ah. (Seryoso)

ME: Nasa ward kami. Walang toilet na pwedeng pagliguan. (iyak na ng iyak)

ATE GRACE: (mahihimatay na sa kakatawa)

ME: Busy ka ba? Baka pwede mo naman ako pagdalan ng damit dito. Makapagpalit man lang. (tawa iyak)

ATE GRACE: Ay siya sige hintayin mo mamaya. (tawa parin ng tawa)

Imagine nasa public place ka, palakad lakad sa paligid para asikasuhin ang mga kailngan ng matanda, iba ibang tao ang nakakasalamuha, nadudumihan, pinagpapawisan, occassional na natatapunan ng pagkain etc. Hindi ako prepared kasi malay ko bang tatagal kami ng ganon sa ospital. Nahihiya akong magsabi sa Boss ko na dumadalaw dun isang beses isang araw. Kasi siyempre personal things yun kaya tiniis ko na lang. At akala ko talaga lalabas din kami agad.

Hapunan ng dumating yung pinadala ni Ate Grace na gamit. Hindi siya pwedeng umalis ng bahay dahil may alaga din siyang matanda. Isa pa malayo layo ag ospital. Eh di excited kong binuksan yung plastic na rescue operation clothing relief na galing kay Ate Grace kasi sa wakas makakapagpalit na ako. May blouse. Pedal. At…. Bigla akong nainis at hindi makapaniwala sa nakita ko. Eto namang si Ate Grace pang asar din eh. Pano kasi T-BACK ang pinadala sa akin. At nag iisa lang, wala ng ibang ordinaryong undies. Pagkapalit ko ng damit tinawagan ko ulit siya para magreklamo [demanding].

“ATEEE~~ SA DINAMI DAMI NG IPAPADALA BAKIT T-BACK PA EH HINDI NAMAN AKO NAGSUSUOT NUN! PAKIRAMDAM KO TULOY NGAYON PARANG LAGING MAY SOMETHING SA LIKOD KO!!”

(Photo: Kulitan moments namin ni Ate Grace noong dinalaw nya ako sa bahay ng amo ko. Ebidensya kung gano kami kabaliw pag magkasama. I miss you Ate Grace! Ilang taon na ang nakalipas hindi ko parin makalimutan. Ikaw ang tunay na maaasahan sa lahat ng oras! Pasyal ka naman dito sa Taipei minsan.)

WANTS vs NEEDS

Inalok ako ng aking amo kung gusto ko ba daw bumili ng bagong cellphone dahil malaki ang matitipid ko. Magre-renew kasi siya ng Postpaid Plan Contract niya at dahil hindi na siya bibili ng bago ay ibinibigay na niya sa akin ang slot. Pag isipan ko daw at sabihin sa kanya kapag nakapagdesisyon na ako.

Noong nakaraang buwan lang ay gustong gusto ko bumili ng bagong cellphone dahil magdadalawang taon na rin itong gamit ko. At naisip ko rin na siguro ay panahon na para mag upgrade sa mas maganda at mas maraming features. Pero wala akong pera noon. Ok, tiningnan ko ang telecom brochure at pumili ng magugustuhan na kaya ng budget ko.

Minungkahi niya ang Samsung Galaxy Tab 3 (8.0) na nagkakahalaga ng NT$7,990. Nagustuhan ko. Nagresearch at nagtanong ako sa ilang cellphone outlet at ang halaga sa labas ay NT$10,400. Makakamura ako ng NT$2,410 kung tatanggapin ko ang napakagandang pagkakataon.
(NT$1=Php1.47)

Na-excite ako. Siguro eto na yung tamang oras para makuha ang matagal ko nang gusto. At WOW! Magkakaron na rin ako ng tablet. Makakanood na ako sa youtube sa mas malaking screen. Astig din kasi makakasunod na ako sa uso! At parang ang sosyal ng dating pag merong ganun. Maghapon kong pinapantasya ang bagong cellphone. Kinagabihan, nang nakahiga na at nagpapaantok ang nasa isip ko ay
bibili…
hindi bibili…
bibili…
hindi bibili…

Kinabukasan sinabi ko sa ang amo ko,
“I WOULD love to have a new cellphone but I realized I need to spend more wisely and need to be serious on my financial progress plan.”

Sagot nya,
“Okay. Great! Now you realized!”

Yung realization na YOU ALREADY HAD ENOUGH THEN WHY ASK FOR MORE? Habang maiksi pa ang kumot, matuto kang mamaluktot. Sa madaling salita, huwag maging maluho.

Naisip ko yung bagong cellphone ay ONE MONTH HAPPINESS lang ang maibibigay sa akin. Samantala kung itatabi ko ang pera eh pang matagalan. At ang malaking naitanong ko sa sarili ko ay “KAILANGAN KO BA NG BAGONG CP??!!” ang sagot ko ay HINDI. May cellphone naman ako na nakakapag internet. Pwede ko pa naman pagtiyagaan kasi matino ko pang nagagamit at hindi pa naman talaga luma. Kung ikaw na sakto lang ang kinikta para sa pangangailangan, hindi wais na bumili ng bagong gadget na hindi naman talaga kailangan.

Naisip ko rin na napakaraming bagay na MAS importanteng unahing pagkagastusan kaysa ang bagong cellphone o gadget.

Marami kasi sa atin ngayon ay masyadong naaaliw sa mga gadgets. Na kahit gumastos ng malaki sa kabila ng kagipitan ay ayos lang masunod lang ang layaw. Ang gadgets mabilis ang innovation, halos buwan buwan may dumadating na bagong style. Hindi mo talaga mahahabol yan.

Katulad na rin sa mga shopping mall, “uy ang daming sale ngayon!” mga ganyan ang maririnig sa kapitbahay o mababasa sa mga FB posts. Sale yung sapatos! Bakit? Kailangan mo ba ng bagong sapatos? Sale yung bag! Bakit? Kailangan mo ba ng bagong bag? Sale yung damit! Bakit? Wala ka na bang maisuot? Ang katotohanan, walang katapusan ang mga sale sa mga shopping mall. Ang isang matalinong alternative diyan ay BUMILI KUNG KINAKAILANGAN.

Ayon sa isang magasin na nabasa ko,
“Our wants can be limitless and no matter how high our income may be, it will never be enough to satisfy them.”

Sa madaling pagpapaliwanag, kung anong meron ka ngayon makuntento ka at wag mong ikahiya. Kung ang sapatos mo ay sira, ipakita mo dahil yun ang meron ka ngayon eh. Kumbaga kung hindi naman ‘afford’ sa ngayon at hindi naman ‘basic needs’, bakit pa pipilitin?

Sa susunod na kumatok ang tukso sa ating ‘tight budget plan’, pag isipan muna ng dalawa o tatlong gabi. Itanong ng maraming beses sa sarili kung ‘KAILANGAN KO BA TALAGA ITO O GUSTO KO LANG??’ Sa gitna ng pagmumuni muni, hindi mo aakalain na mismong sarili na ang magsasabi sa iyo ng “LET IT GO.”

Learning Tool

What I like the most about Taiwanese television programs is that they have subtitles. Though a program speaks local language, subtitles make it easier for everyone to catch up and lower the often asked phrase “what did he/she say?” Since then, this had become an advantage to me because I could follow the storyline and understand the dialogue better than relying on the speech alone.

It’s also a great tool to familiarize Chinese alphabet. Here began my interest to read and write Chinese. One word after the other, I slowly found myself searching and asking persons around me what’s the English meaning of this word and how that became this.

Out of curiosity and with the help of my ‘teachers’, I can now recognize words written in Chinese that is really useful everywhere I go. Thanks to subtitles.

Please remember that as you grow up you’ll meet new things on the way. The decision is yours to keep the learning process moving and climb up to the stairs of progress.